^

Probinsiya

4 NPA rebs nasakote

-
CAMP CRAME Apat na sibilyan na pinaniniwalaang rebeldeng New People’s Army (NPA) kabilang ang dalawang amasona ang nasakote ng tropa ng militar sa isinagawang operasyon sa Agusan del Norte kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na rebelde na sina Reyna Mancogiohan alyas "Ka Naomi"; Annalyn Camagong alyas "Ka Lynlyn"; Jovito Fortaleza at Don Alicos alyas "Ka Jomar"; pawang kasapi ng semi-legal sa ilalim ng Section Gabi ng Front Committee ng NPA na pinamumunuan ni Commander Antong na nag-ooperate sa Agusan del Norte at ilang bahagi ng kanugnog na lalawigan ng Misamis Oriental.

Sa ulat ng Philippine Army, ang apat na rebelde ay nalambat ng mga elemento ng Intelligence personnel ng 30th Infantry Battalion dakong alas-10 ng umaga sa liblib na bahagi ng Barangay Durian, Las Nieves ng nasabing lalawigan.

Hindi na nakapalag ang apat na rebelde matapos mapalibutan ng mga sundalo sa nasabing lugar na kanilang pinagtataguan.

Nasamsam sa pag-iingat ng mga rebelde ang isang cal .357 revolver, isang cal. 45 pistol, celfone at mga bala.

Kasalukuyan na ngayong sumasailalim sa masusing tactical interrogation ang mga nasakoteng rebelde. (Angie Dela Cruz)

vuukle comment

AGUSAN

ANGIE DELA CRUZ

ANNALYN CAMAGONG

BARANGAY DURIAN

COMMANDER ANTONG

DON ALICOS

FRONT COMMITTEE

INFANTRY BATTALION

JOVITO FORTALEZA

KA JOMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with