^

Probinsiya

Libu-libong residente nagsisilikas: Giyera sa Mindanao sisiklab

-
CAMP AGUINALDO – Posibleng sumiklab ang giyera sa pagitan ng tropa ng militar at mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa bayan ng Munai, Lanao del Norte kaya naman nagsisilikas na ang libu-libong residente upang hindi maipit sa madugong bakbakan, ayon sa ulat kahapon.

"The report about evacuation is true," pahayag ni Col. Eduardo Ducusin, commander ng Marine’s 2nd Brigade na nakabase sa Iligan City.

Nabatid na nagsimulang magsilikas ang mga resi dente matapos na magbabala si MILF field Commander Bravo na aatakihin nila ang mga himpilan ng militar sa Lanao del Norte dahil sa deadlock sa peace talks.

Bilang reaksyon ay sinabi naman ni Ducusin na paiiralin nila ang ceasefire, subalit sa kabila nito ay nasa ‘defensive position’ ang kanilang tropa sakaling umatake ang mga rebeldeng MILF.

Kaugnay nito, itinanggi naman ni James Macaraya, close-aide ni MILF’s Deputy Chairman for Military Affairs Aleem Abdul Aziz Mimbantas, na binigyan ng kanilang liderato ng go-signal ang mga field commander para magsagawa ng pag-atake sa mga detachment ng militar.

Nabatid na may 60 pamilya o aabot sa 3,000-katao ang nagsilikas base na rin sa tala ng Mindanao People’s Caucus (MPC).

Magugunita na nagkaroon ng bahagyang hindi pagkakaunawaan sa peace talks sa Kuala Lumpur, Malaysia nitong nakalipas na buwan dahil sa isyung teritoryo pagkaraang ipagpilitan ng MILF na dagdagan pa ang mga lugar na ipinapanukalang maging tirahan ng Bangsamoro. (Joy Cantos)

vuukle comment

COMMANDER BRAVO

DEPUTY CHAIRMAN

EDUARDO DUCUSIN

ILIGAN CITY

JAMES MACARAYA

JOY CANTOS

KUALA LUMPUR

LANAO

MILITARY AFFAIRS ALEEM ABDUL AZIZ MIMBANTAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with