^

Probinsiya

Mister tinarakan ng kaalitan

-
CAVITE – Nasa kritikal na kondisyon ang isang 40-anyos na mister makaraang saksakin ito ng kanyang kaalitan habang nasa labas ng kanyang bahay sa Brgy. Daang Amaya 2, Tanza, Cavite kamakalawa ng gabi.

Nilalapatan na ng lunas sa JP Rizal Hospital ang biktimang si Ruben Undarbe, may-asawa at residente ng Blk.21 Lot 1, Phase 2, St. Augustine Subd., Daang Amaya 2, ng bayang nabanggit dahil sa isang tama ng saksak sa tiyan.

Kaagad namang nadakip ng pulisya ang suspek na nakilalang si Michael Estacion alyas Jimboy, 25, binata at residente rin ng nabangit na barangay.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Neil Morano, may hawak ng kaso, dakong alas-9:00 ng gabi habang nagkukuwentuhan ang biktima at mga kaibigan nito nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at suspek na nauwi sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pullisya hinggil sa kasong ito. (Lolit Yamsuan)

vuukle comment

BRGY

CAVITE

DAANG AMAYA

JIMBOY

KAAGAD

LOLIT YAMSUAN

MICHAEL ESTACION

NEIL MORANO

RIZAL HOSPITAL

RUBEN UNDARBE

ST. AUGUSTINE SUBD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with