^

Probinsiya

2 pulis-Cavite sugatan sa shootout

-
CAVITE – Dalawang pulis ang iniulat na nasugatan matapos na makasagupa ang grupo ng mga holdaper sa Barangay Anabu, Dasmariñas, Cavite noong Biyernes ng umaga.

Kabilang sa mga sugatan ay sina PO1 Jocel Palamo at PO3 Cornelio Bugayong na kapwa nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Dasmariñas.

Sa ulat ni P/Supt. Mario Reyes, binabagtas ni PO3 Bugayong ang kahabaan ng Aguinaldo Highway lulan ng motorsiklo nang harangin ng mga holdaper na miyembro ng Gerry Alindog Gang.

Ayon sa ulat, inakala ng mga suspek na si PO3 Bugayong, ang sumusunod sa dalawang sasakyan ng mga ito na nagkataong nakasabay nito sa nasabing highway.

Napag-alamang biglang bumaba ang dalawang lalaki at pagkatapos ay tinutukan ng baril si PO3 Bugayong hanggang sa pukpukin ito at agawin ang kanyang motorsiklo at sariling baril.

Mabilis namang nakahingi ng tulong si PO3 Bugayong sa pinakamalapit na presinto ng pulis hanggang sa magkaroon ng ilang minutong habulan at putukan at mahagip sa kanang braso si PO1 Palamo na kapwa nasa Medical Center of Imus.

Sa follow-up operation ng pulisya, natunton naman ang pinagtataguan ni Gerry Alindog sa #270 Pasong Santol Road, Barangay Anabu 2E, Imus, Cavite at makarekober ng iba’t ibang kalibre ng baril.

Pitong kalalakihan ang inimbitahan sa istasyon ng pulis na nakilalang sina Reynaldo Camaisa, Joel Paredes, Ariel Acuna, Geraldo Lares, Ramil Adriano, Benjamin Garcia at Rolimer Sajulga na pawang residente ng nasabing lugar dahil sa pag-iingat ng isang M-14 Armalite Rifle, isang Ak-47, anim na two-way radio, mga magazine at charger. (Arnell Ozaeta/ Cristina Timbang)

vuukle comment

AGUINALDO HIGHWAY

ARIEL ACUNA

ARMALITE RIFLE

ARNELL OZAETA

BARANGAY ANABU

BENJAMIN GARCIA

BUGAYONG

CAVITE

CORNELIO BUGAYONG

CRISTINA TIMBANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with