Kasalan tinakasan

(Part II)
Kasama ang asawa’t tatlong anak ay nagbalik nga sila sa bayan ng Talalora, Samar. Samantala, si Mang Olympio ay patuloy na umiibig at umaasa na sila pa rin ang magkakatuluyan ni Nanay Lucing. Sa katunayan ay hindi pa ito nag-aasawa at kalimitang nakabantay sa bawa’t galaw ng minamahal na si Nanay Lucing.

Nabatid na madalas mapansin ng mga kanayon ang paulit-ulit na sulyap ni Mang Olympio sa bakuran ng mag-asawang Lucing at Tatay Molo sa tuwing dapit-hapon. Napapansin din ito nila Nanay Lucing, subalit hindi nila sinisita sa kadahilanang umiiwas sila sa gulo at ayaw na nilang bigyan pa ito ng karagdagang pasakit.

Isang araw habang nagwawalis ng bakuran si Nanay Lucing ay nilapitan ito ni Mang Olympio at buong pagmamakaawang humiling kay Nanay Lucing na bumalik sa kanya, subalit nakita ito ni Tatay Molo at walang awang pinagtataga hanggang sa duguang mapalugmog. Walang nagawa si Nanay Lucing sa kabila nang pag-awat nito sa asawa.

Napaluha si Nanay Lucing habang humihingi ng tawad sa dating kasintahan na hindi niya sinasadyang mahalin si Tatay Molo, subalit mga matang puno ng poot ang kanyang nakita kay Mang Olympio na unti-unting kinakarit ni kamatayan habang binibigkas nito ang mga katagang kaylanman ay hindi niya makakalimutan ang katagang binitiwan ni Mang Olympio." Dadad-on mo kutob hit imo kamatayon an mga gamut han pagbulos hit imo paglingo ha akon." (Itutuloy)

Show comments