^

Probinsiya

Amo kinatay ng maid

- Ni Jeff Tombado -
OLONGAPO CITY – Pinagtataga hanggang sa mapatay ang isang 69-anyos na lola ng kanyang katulong na babae sa naganap na karahasan sa Barangay East Tapinac, Olongapo City kamakalawa.

Animo’y kinarneng baboy ang naging katawan ng biktimang si Gregoria Crizaldo ng #118-Irving Street ng nabanggit na barangay, samantalang naghihimas naman ng rehas na bakal ang suspek na si Mariel Cacho,19, tubong Barangay Kabayabasan, Alacapan, Cagayan.

Ang suspek na bitbit pa ang sanggol na alaga ay nasakote ng pulisya sa terminal ng bus sa bayan ng Bacolor, Pampanga.

Lumalabas sa ulat ni P/Insp. Lolito "Teejay" Tejada kay P/Senior Supt. Angelito Pacia, nagalit ang biktima sa ginawang pagmumura ng suspek sa sanggol na apo ng una.

Napag-alamang hindi nagustuhan ng biktima ang ginawa sa kanyang apo kung kayat nilapitan nito ang suspek hawak ang kutsilyo na gamit sa paghihiwa ng prutas.

Sa pag-aakala ng suspek na uundayan siya ng saksak ay mabilis na inagaw nito ang kutsilyo sa biktima hanggang sa magpambuno ang dalawa hanggang sa maganap ang krimen.

Napag-alamang tinangay ng suspek ang sanggol na kanyang inaalagaan bago siya madakip sa nabanngit na terminal.

vuukle comment

ALACAPAN

ANGELITO PACIA

BARANGAY EAST TAPINAC

BARANGAY KABAYABASAN

GREGORIA CRIZALDO

IRVING STREET

MARIEL CACHO

NAPAG

OLONGAPO CITY

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with