^

Probinsiya

Kasalan tinakasan

KAMANDAG NG KULAM - KAMANDAG NG KULAM Ni Maricel Pille Castillo -
(Part 1)
TALALORA, Samar –
Limampu’t anim na taon nang nagdurusa ang isang 87-anyos na si Lucita Oreo (Nanay Lucing) ng Talalora, Samar dahil sa sumpa at kamandag ng kulam na ipinatikim sa kanya ng dating kasintahan nito na si Mang Olympio.

"Dadad-on mo kutob hit imo kamatayon an mga gamut han pagbulos hit imo paglingo ha akon." (Dadalhin mo hanggang kamatayan ang mga ugat ng paghihiganti sa ginawa mong pagtataksil sa akin). Ito ang mga katagang binitawan ni Mang Olympio na kaylanman ay hindi makalimutan ni Nanay Lucing.

Sa isinagawang panayam sa matanda, napag-alamang maliliit pa lang sina Nanay Lucing at Mang Olympio ay ipinagkasundo na ng kani-kanilang mga magulang na magkatuluyan na kung tawagin sa waray ay balata.

Napagkasunduan ng kanilang pamilya na idaos ang kasalan, dalawang buwan matapos ang ika-25 kaarawan ni Nanay Lucing. Dalawang buwan na lang at idaraos na ang pinakahihintay na pag-iisang dibdib nang makilala ni Nanay Lucing si Tata Molo.

Hindi inaasahang malipat ang pagmamahal ni Nanay Lucing kay Tata Molo hanggang sa sila’y magpasyang magtanan at maiwang luhaan si Mang Olympio. Nabatid na gabi-gabi raw itong namamataan sa pintuan ng simbahan kung saan doon sana idaraos ang naudlot na kasal.

Ayon pa kay Nanay Lucing, aabot sa anim-na-taon silang nagpatagu-tago para lamang takasan ang kahihiyan na idinulot nila sa pamilya ni Nanay Lucing at kay Mang Olympio, subalit may kung anung kapangyarihan ang humihila sa kanya para bumalik sa kanilang nayon. (itutuloy)

vuukle comment

AYON

DADAD

LUCING

LUCITA OREO

MANG OLYMPIO

NANAY

NANAY LUCING

SAMAR

TATA MOLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with