^

Probinsiya

Dalagita pinilahan

-
RIZAL – Kalaboso ang binagsakan ng tatlong manyakis na lalaki na pinaniniwalaang lango sa droga makaraang pilahan ang isang 14-anyos na dalagita sa gitna ng palayan, sakop ng Barangay Rizal sa bayan ng Baras, Rizal, kamakalawa ng hapon.

Pormal na sasampahan ng kasong rape ang mga suspek na sina Norberto Abuda, 24; Ricardo Gilboy, 23; at Michael Aquino, 22; pawang residente ng Manila East Road, Barangay Rizal matapos na ituro ng biktima ang kanilang kapitbahay na gumahasa sa kanya sa gitna ng bukirin sa Ortañez st. ng nasabing barangay.

Sa salaysay ng biktima sa pulisya, naganap ang krimen dakong alas-3 ng hapon, kamakalawa habang naglalakad siya sa kahabaan ng Ortañez Street nang harangin ng mga suspek at binantaang papatayin kapag hindi sumama.

Matapos isagawa ang maitim na balak ay muling tinakot ng mga suspek ang biktima bago mabilis na nagsialis, subalit naglakas-loob ito na ipagbigay-alam sa pulisya ang naganap na krimen hanggang sa madakip ang mga suspek.

Gayon pa man, mariing itinanggi ng mga suspek ang akusasyon ng biktima. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BARANGAY RIZAL

EDWIN BALASA

GAYON

KALABOSO

MANILA EAST ROAD

MATAPOS

MICHAEL AQUINO

NORBERTO ABUDA

ORTA

RICARDO GILBOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with