LTO employee, 1 pa arestado sa carnapping
() - July 1, 2006 - 12:00am
CAVITE – Naaresto ng mga operatiba ng Cavite Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang hinihinalang miyembro ng carnapping gang kabilang ang isang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) makaraan ang operasyong "Oplan Clean Sweep at Paglalansag Omega" sa Brgy. Pulido Gen. Mariano Alvares, lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ni P/Supt. Elwin Fernadez Provincial Officer ng Cavite CIDG ang mga suspek na sina Redentor Centeno, 43, may-asawa, empleyado ng LTO - Pasay City at residente ng Brgy. Pulido, GMA, Cavite at Jose Marco, 23, binata, negosyante at residente ng Phase 3, GMA, Cavite.

Batay sa report, ganap na alas-5 ng hapon nang madakip ang mga suspek matapos na masabat ang mga ito ng grupo ng CIDG sa nabanggit na lugar.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang walang plakang Honda wave motorcycle na kulay asul na pag aari ng isang Mrs Annabel Rebollo ng Phase 1, Mabuhay City Paliparan, Dasmariñas Cavite at isang Cannibalized Honda MC na tampered/defaced motor at chassis nito.

Ang motorsiklo ni Gng. Rebollo ay tinangay ng ‘di kilalang suspek habang ito ay naka-park

Sa imbestigasyon si Centeno ay direktang kontak umano ng mga carnapper at si Marco ang taga-benta ng mga carnapped na sasakyan sa mga kontak na buyer nito.

Ito ay ayon na rin sa mga kapwa carnapper na nakilala sa mga alyas na Popoy at Nog na pawang mga taga-Laguna.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng fallow-up operation ang mga awtoridad upang madakip ang ibang kasamahan ng mga suspek na bumibiktima sa iba’t ibang lalawigan. (Lolit Yamsuan)

BRGY CANNIBALIZED HONDA CAVITE CAVITE CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP ELWIN FERNADEZ PROVINCIAL OFFICER JOSE MARCO LAND TRANSPORTATION OFFICE LOLIT YAMSUAN MABUHAY CITY PALIPARAN
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with