^

Probinsiya

Ama lumaklak ng asido, patay

-
ANTIPOLO CITY – May posibilidad na nakonsiyensiya at natakot na makulong kaya lumaklak ng asido at namatay ang isang 44-anyos na ama makaraang molestiyahin nito ang sariling anak na dalagita sa Barangay Sta. Cruz, Antipolo City, kahapon.

Sa Antipolo Community Hospital kinalawit ni kamatayan si Romeo Ramirez ng Sitio Kamias ng nabanggit na barangay.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na naaktuhan sa loob ng kanilang bahay ng nakatatandang anak ang kanyang senglot na ama na minomolestiya nito ang 13-anyos na dalagitang anak na hayskul student.

Agad namang humingi ng saklolo ang nakatatandang anak ng suspek sa mga awtoridad, subalit hindi na inabutan sa kanilang bahay at nagtungo sa kamag-anakan sa Barangay San Juan.

Ayon pa sa ulat, kinabukasan nang nagbalik ang suspek sa kanilang bahay na pinaniniwalaang hindi mapakali at nakonsiyensiya sa ginawang krimen kaya naisipang lumaklak ng asido.

Inabutan ng mg kasambahay ang suspek na walang tigil sa pagsusuka kaya dinala sa nabanggit na ospital at ilang oras na ginagamot ay binawian din ito ng buhay. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

AYON

BARANGAY SAN JUAN

BARANGAY STA

CRUZ

EDWIN BALASA

INABUTAN

ROMEO RAMIREZ

SA ANTIPOLO COMMUNITY HOSPITAL

SITIO KAMIAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with