^

Probinsiya

3 holdaper hinatulan ng 8 taong kulong

-
BAGUIO CITY –Tatlong kalalakihan ang hinatulan ng walong taong pagkakulong, kaugnay sa panghoholdap ng mga akusado sa isang estudyante, noong nakalipas na taon sa Baguio City.

Sa 11-pahinang desisyon na ipinalabas ni Judge Ruben Ayson, ng Baguio City Regional Trial Court, Branch 6, hinatulan sina Jimmy Baron, Jay-ar Montano at Peter Orbilla.

Inatasan din ng korte na magbayad ang mga akusado ng P16,200 bilang moral at actual damages sa biktimang si Mae Cariso.

Base sa rekord ng korte, hinarang ng mga akusado ang biktimang naglalakad sa iskinitang sakop ng Bokawkan Road noong Setyembre 30, 2005.

Tinangay ang celfone at bag saka sinuntok sa sikmura ang biktima, bago nagsitakas ang mga akusado. Nasakote ang mga akusado sa isinagawang follow-up operation. (Artemio A. Dumlao)

vuukle comment

ARTEMIO A

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY REGIONAL TRIAL COURT

BOKAWKAN ROAD

DUMLAO

INATASAN

JIMMY BARON

JUDGE RUBEN AYSON

MAE CARISO

PETER ORBILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with