Hostage-drama: 4 patay
April 28, 2006 | 12:00am
LAGUNA Tila nawala sa katinuan ang isang 42-anyos na ex-overseas Filipino worker (OFW) makaraang barilin at mapatay ang kanyang mga magulang at utol na lalaki sa naganap na hostage-drama sa loob mismo ng kanilang bahay sa Barangay Landayan, San Pedro, Laguna noong Miyerkules ng gabi.
Ayon kay P/Supt. Sergio Dimandal, hepe ng San Pedro PNP, hinostage at napatay ng suspek na si Valentin Barlao, ang kanyang mga magulang na sina Silverio, 74; Patrocinia, 72; at kapatid na si Florentina Calibag.
Napatay din naman ang suspek matapos hindi sumuko sa pulisya at tinangkang patayin ang isa pang kapatid na si Gil, na pinaniniwalaang mentally retarded.
Base sa ulat, pinasok ni Valentin na senglot, ang bahay ng kanyang mga magulang sa #205 San Luis Street, Purok 5 ng nabanggit na barangay at nagkaroon ng pagtatalo tungkol sa bahay at lupa na ipinatayo ng suspek at kasalukuyang tinitirhan ng isa sa kanyang mga kapatid.
Tatlong putok ng baril ang narinig ng karpinterong si Jun Dinio sa loob ng bahay ng pamilya Barlao at duguang bumulagta sina Silverio at Florentina, samantalang namatay si Patrocinia habang ginagamot sa Perpetual Help Hospital sa bayan ng Biñan dahil sa tama ng bala ng baril sa dibdib.
Matapos ang pamamaril, pinakiusapan ng pulisya at mga kamag-anak si Valentin na sumuko, subalit tumanggi ito at ginawa pang hostage ang kapatid na si Gil.
Habang nakikipag-ugnayan ang mga awtoridad ay unti-unting pumasok sa bahay ang ilang pulis hanggang sa mapatay ang suspek at mailigtas naman si Gil bandang alas-7:30 ng gabi.
Ayon naman kay retired P/Colonel Ernesto Calibag, bayaw ng suspek, matagal na nilang napapansin na gumagamit ng droga si Valentin kaya posibleng nagawa ang krimen.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended