^

Probinsiya

Lady trader itinumba

-
CALUMPIT, Bulacan – Isang businesswoman ang nasawi habang isang 16-anyos na dalagita ang malubhang nasugatan matapos na paulanan ng bala ang tahanan ng una sa Brgy. Gatbuca sa bayang ito kamakalawa ng gabi

Kinilala ni P/Chief Inspector Prudencio Legazpi, hepe ng pulisya ng bayang ito ang biktima na si Loreta Maglalang y Bulos, 37, isang businesswoman na nakatira sa nasabing barangay.

Si Maglalang ay nagtamo ng tama ng baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan samantalang ang dalagitang si Gelly An Marcuapi, ng Brgy. Capalangan, Apalit, Pampanga ay tinamaan sa kanang binti at agad na isinugod sa Bulacan Provincial Hospital sa Malolos.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, tinapatan ng mga hindi pa nakilalang suspek ang bahay ng negosyante. Tinawag ng mga suspek ang biktima at paglabas nito ay sunod-sunod na pinaputukan ng baril at nadamay naman si Marcuapi.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek patungo sa MacArthur Highway sakay ng isang puting kotse.

Nakarekober ang pulisya ng 11 basyo ng bala ng kalibre .9mm pistola at dalawa mula sa kalibre .45 pistola.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaslang. (Dino Balabo)

vuukle comment

BATAY

BRGY

BULACAN

BULACAN PROVINCIAL HOSPITAL

BULOS

CHIEF INSPECTOR PRUDENCIO LEGAZPI

DINO BALABO

GELLY AN MARCUAPI

LORETA MAGLALANG

SI MAGLALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with