^

Probinsiya

Bayan lider dedo sa ambush

-
MALOLOS CITY, Bulacan — Tinambangan at napatay ang isa na namang lider ng militanteng grupo ng mga hindi pa nakikilalang kalalakihang sakay ng motorsiklo sa naganap na namang karahasan sa bahagi ng Purok 4, Sitio Sto. Niño, Plaridel at Barangay Barihan, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Arthur Felix Asis, hepe ng pulisya sa bayan ng Plaridel, ang biktimang si Crisanto "Santi" Teodoro, 45, chairman ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) sa Malolos City at residente ng Maunlad Subd., Barangay Mojon, Malolos City, Bulacan.

Sa ulat ni Asis, nagmula sa palengke ng Plaridel, ang mag-asawang Crisanto at Lucila, lulan ng asul na Mitsubishi Lancer (UPS 789) bandang alas-8:15 ng gabi sa kalsadang nag-uugnay sa Plaridel at Malolos.

Pagsapit sa bahagi ng Barangay Santo Niño, Plaridel ay napansing ng mag-asawa na may sumusunod na dalawang motorsiklo na may tig-dalawang sakay na lalaki.

Napag-alamang nagpauna ang isang motorsiklo paglampas ng Plaridel-Malolos boundary, samantalang ang isa pang motorsiklo ay dumikit sa kotse ng mag-asawa.

Pinaputukan ng isa sa mga suspek si Teodoro at tinamaan ito sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan, samantalang ang sakay ng isa pang motorksilko ay nagpaputok din mula sa unahan ng kotse at tinamaan sa kanang pisngi ang biktima.

Naagapan ng asawa ng biktima ang manibela ng kotse hanggang maitabi, subalit nakabundol din ito ng isang nakaparadang traysikel sa gilid ng kalsada.

Agad namang tinulungan ng ilang residente ng Barangay Barihan sa pangunguna ni Kapitan Alex Sapitan ang biktima na madala sa Bulacan Provincial Hospital, subalit binawian ng buhay habang ginagamot.

Base sa talaan ng pulisya, si Teodoro ay ika-10 biktima ng karahasan sa Bulacan, kabilang na sina Leodegario Punzal, Luis Cuaresma, Demerly Cruz Adriano ng Norzagaray; Alfredo Mañaol ng San Miguel; Celestino Illescas, Jess Alcantara, Rogelio Concepcion, at Armando Leabres. (Dino Balabo/Joy Cantos)

vuukle comment

ALFREDO MA

ARMANDO LEABRES

ARTHUR FELIX ASIS

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

BARANGAY BARIHAN

BARANGAY MOJON

BULACAN

MALOLOS CITY

PLARIDEL

TEODORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with