^

Probinsiya

‘Reyna ng shabu’, kalaboso

-
ORION, Bataan – Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng pulisya, ang isang 32-anyos na babae na pinaniniwalaang ‘reyna ng shabu’ na nagpapakalat ng droga sa tatlong bayan sa Bataan sa isinagawang drug bust operation sa Barangay Lati, Orion, Bataan kamakalawa.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang suspek na si Edna Bundang, 32, may-asawa, at naninirahan sa nabanggit na barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Limuel Aguilar, isinagawa ang buy-bust ganap na alas-11:20 ng umaga matapos na maging poseur buyer ni PO1 Nathalian Robles laban sa suspek.

Napag-alamang nakahanda na rin ang isang warrant of arrest na inisyu ni Judge Antonio Quintos ng Bataan Regional Trial Court, sakaling pumalpak ang nasabing operasyon.

Hindi naman nagtagal ay nadakip ang suspek at nakumpiska ang 9 na plastic sachets ng shabu at P100 mark money na ginamit sa buy-bust operation.

Si Bundang ay pinaniniwalaang supplier ng shabu sa mga bayan ng Limay, Orion at Balanga City na matagal nang tinitiktikan at isa sa most wanted sa talaan ng pulisya.

Isinampa na ang kaukulang kaso laban sa suspek sa RTC-Bataan dahil sa paglabag sa Section 5 at 11 Article 11 RA 9165 na mas lalong kilala sa Dangerous Drug Act of 2002.

Ayon pa sa ulat, tinitiktikan na rin ng pulisya ang iba pang kasamahan ng suspek sa tatlong bayan sa Bataan. (Jonie Capalaran)

vuukle comment

BALANGA CITY

BARANGAY LATI

BATAAN REGIONAL TRIAL COURT

DRUG ACT

EDNA BUNDANG

JONIE CAPALARAN

JUDGE ANTONIO QUINTOS

LIMUEL AGUILAR

NATHALIAN ROBLES

SI BUNDANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with