^

Probinsiya

Holdaper natodas sa presinto

-
CAVITE — Binaril at napatay ang isang 27-anyos na lalaki na pinaniniwalaang notoryus na holdaper makaraang mang-agaw ng baril sa loob ng presinto ng pulisya sa bayan ng Dasmariñas, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Bulagtang namatay si Bernardo Bugal ng Block 57 Lot 4 sa Barangay Sto. Cristo ng bayang nabanggit. Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Edgar Belza, nasakote si Bugal sa kasong holdap at nang ipapasok sana sa selda ni PO3 Joel Palmares ay nakapang-agaw ng baril hanggang sa magpambuno ang dalawa.

Humingi naman ng saklolo si PO3 Palmares sa ibang kasamahang pulis at kaagad na rumesponde sina P/Chief Insp. Mario Reyes at SPO1 Rolando Vinzon upang tulungan si Palmares. Naaktuhan ni Reyes na babarilin na ni Bugal si Palmares, kaya inunahan na nitong putukan hanggang sa mapatay. (Cristina Timbang)

vuukle comment

BARANGAY STO

BERNARDO BUGAL

BINARIL

BUGAL

BULAGTANG

CHIEF INSP

CRISTINA TIMBANG

EDGAR BELZA

JOEL PALMARES

MARIO REYES

ROLANDO VINZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with