^

Probinsiya

Dalagita pinilahan ng 15-tinedyer

-
LUCENA CITY – Tulala at halos hindi makapagsalita ang isang 16-anyos na estudyante makaraang dukutin at pilahan ng 15-tinedyer na lalaki sa isang bakanteng kubo sa bahagi ng Barangay Ibabang Dupay ng nabanggit na lungsod, kamakalawa ng umaga.

Nasa pangangalaga ngayon ng Women’s Desk Section ng Lucena PNP ang biktimang itinago sa pangalang Michelle, 3rd year sa Lucena City National High School at residente ng Barangay Mayao Crossing.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nag-aabang ng traysikel na masasakyan ang biktima bandang alas-7:30 ng sa tabi ng basketball court nang huminto ang isang kulay asul na van.

Nagtanong ang mga sakay ng van kung saan ang direksyon ng R.J.Ville Subdivision at itinuro naman ng biktima, subalit maya-maya ay bigla na lamang hinaltak ng mga rapist papasok ng van ang dalagita at pinatakbo ang sasakyan patungo sa University Site Village na sakop ng Barangay Ibabang Dupay.

Sa salaysay ng biktima sa himpilan ng pulisya, sinabi nitong dinala siya sa isang bakanteng kubo at magkakasunod na isinagawa ang maitim na balak ng 15 tinedyer saka iniwan.

Nagawa naman magtungo ang biktima sa himpilan ng pulisya para ipagbigay-alam ang krimen.

May impormasyon na ang pulisya sa pagkikilanlan sa mga rapist, subalit pansamantalang hindi ibinunyag habang nagsasagawa ng operasyon sa hindi binanggit na barangay. (Tony Sandoval)

vuukle comment

BARANGAY IBABANG DUPAY

BARANGAY MAYAO CROSSING

DESK SECTION

LUCENA

LUCENA CITY NATIONAL HIGH SCHOOL

MICHELLE

NAGAWA

TONY SANDOVAL

UNIVERSITY SITE VILLAGE

VILLE SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with