^

Probinsiya

2 ASG dedo sa engkuwentro

-
CAMP AGUINALDO –Dalawang kasapi ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay habang tinataya namang mahigit pa sa sampu ang nasugatan sa panibagong sagupaan sa pagitan ng tropa ng militar at ng ekstremistang grupo sa Sumisip, Basilan kamakalawa.

Sa isang phone interview, sinabi ni Army’s 103rd Brigade Commander Brig. Gen. Raymundo Ferrer, dakong alas-12:10 ng tanghali kamakalawa ng makasagupa ng kaniyang mga tauhan ang mga armadong bandido sa Brgy. Erely sa bayan ng Sumisip.

Dito’y agad na nagkaroon ng umaatikabong bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig na ikinasawi ng dalawa sa mga bandido at ikinasugat ng dalawa ring sundalo.

Gayunman, kasalukuyan pang inaalam ang mga pangalan ng mga nasawing bandido.

Nabatid sa heneral na ang nakasagupa nilang mga bandido ay ang nalalabing grupo ni Abu Sayyaf Commander Amir Mingkong na namumugad sa lalawigan.

Sinabi ni Ferrer na tinatayang mahigit sampung bandido ang nasugatan na tinangay ng mga nagsitakas nilang kasamahan.

Inihayag pa ng opisyal na sa pag-upo sa puwesto ni bagong AFP-Southcom Chief Major Gen. Gabriel Habacon ay ipinag-utos nito na paigtingin pa ang crackdown operations sa grupo ng Abu Sayyaf sa rehiyon ng Mindanao.

Inatasan ni Habacon ang lahat ng sundalo sa Southcom na laging maging alerto sa posibleng ganti ng ASG. (Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER AMIR MINGKONG

ABU SAYYAF GROUP

BRIGADE COMMANDER BRIG

GABRIEL HABACON

JOY CANTOS

RAYMUNDO FERRER

SOUTHCOM CHIEF MAJOR GEN

SUMISIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with