^

Probinsiya

13 sugatan sa paputok sa fiesta

-
CAMP CRAME – Labingtatlo katao ang nasugatan matapos mauwi sa trahedya ang isang masayang piyestahan nang aksidenteng tumama ang isang paputok sa mga fireworks sa isang stall sa kainitan ng pagdiriwang at pagsalubong sa Bagong Taon sa Olongapo City kamakalawa ng hapon.

Sa report na nakarating kahapon sa tanggapan ni PNP Chief Director General Arturo Lomibao, dakong alas-2:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa parada sa piyesta ng lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, isang lalaki na dumalo sa festival ay nagsindi umano ng paputok na rocket upang subukan ang lakas ng pagsabog nito.

Gayunman sa halip na pataas ay sa isang stall ng tindahan ng fireworks at iba pang uri ng paputok ito tumama na nagbunsod sa sunud-sunod na malalakas na pagsabog hanggang sa mag-panic ang mga tao kaya nagkaroon ng stampede.

Ang nasabing pagsabog ay ikinasugat ng 13 sibilyan na karamihan ay nanonood sa nasabing okasyon.

Lumikha rin ng sunog ang naganap na pagsabog kung saan ay mabilis na nagresponde ang mga bumbero at naapula ang sunog bandang alas-3:30 ng hapon.

Ang mga nasugatang biktima kabilang ang tatlong nasa malubhang kalagayan ay mabilis namang isinugod sa James Gordon Memorial Hospital para malapatan ng lunas

Makalipas ang ilang oras ay napayapa naman ni Olongapo City Mayor James Gordon at iba pang mga opisyal ng pamahalaang lungsod ang mga tao dito at itinuloy ang pagdiriwang. (Joy Cantos)

AYON

BAGONG TAON

CHIEF DIRECTOR GENERAL ARTURO LOMIBAO

GAYUNMAN

JAMES GORDON MEMORIAL HOSPITAL

JOY CANTOS

LABINGTATLO

LUMIKHA

OLONGAPO CITY

OLONGAPO CITY MAYOR JAMES GORDON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with