^

Probinsiya

Army vs NPA: 3 kawal patay, 9 pa sugatan

-
CAMP AGUINALDO – Ilang oras matapos ipag-utos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ang all-out-offensive laban sa mga rebeldeng New People’s Army, tatlo pang sundalo ng pamahalaan ang iniulat na nasawi habang siyam pa ang nasugatan sa panibagong sagupaan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at mga rebelde sa kagubatang sakop ng Barangay Cabatang sa bayan ng Tiaong, Quezon kamakalawa ng hapon.

Pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan ng sundalo na miyembro ng 1st Infantry Battalion na nakabase sa Cavinti, Laguna.

Napag-alaman na pawang reinforcement ang mga nasawing sundalo na tumutugis sa mga rebeldeng NPA na responsable sa pagpapasabog ng Globe cellular site sa Barangay Piis, Lucban, Quezon at nakapatay kay SPO3 Clarito Ilao sa Barangay Lumingon ng nabanggit na bayan.

Dahil dito, umaabot na sa 13-kawal ang nasawi at 32 naman ang nasugatan sa panig ng tropa ng militar matapos paigtingin ng mga rebeldeng NPA ang mga pag-atake sa buong bahagi ng bansa simula noong Sabado.

Ayon kay Army Spokesman Major Bartolome Bacarro, ang tumutugis na tropa ng militar ay pinangunahan 2nd Lt. Joseph Ryan Gomez at pinaniniwalaang marami ring nalagas sa panig ng mga rebelde batay na rin sa bakas ng dugo sa dinaanan ng NPA.

Magugunita na naiskoran ng malaki ng mga rebelde ang tropa ng militar matapos magpasabog ng landmine sa liblib na bahagi ng Calinog, Iloilo na ikinasawi ng siyam na sundalo habang 20 pa ang nasugatan.

Samantala, kamakalawa ay aabot naman sa sampung rebeldeng NPA na pinaniniwalaang magsasaka at miyembro ng party-list group na Bayan Muna ang iniulat na napatay matapos na makasagupa ang militar sa Palo, Leyte. (Tony Sandoval at Joy Cantos)

vuukle comment

ARMY SPOKESMAN MAJOR BARTOLOME BACARRO

BARANGAY CABATANG

BARANGAY LUMINGON

BARANGAY PIIS

BAYAN MUNA

CLARITO ILAO

INFANTRY BATTALION

JOSEPH RYAN GOMEZ

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with