Bata natusta sa sunog
November 11, 2005 | 12:00am
BULACAN Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 5-anyos na lalaking anak ng isang reporter ng tabloid makaraang masunog ang kanilang bahay dahil sa tumaob na gaserang ilawan, kamakalawa ng umaga sa Barangay Tiaong sa bayan ng Baliuag, Bulacan. Ang biktimang nagtamo ng 3rd degree burns ay binawian ng buhay habang ginagamot sa Baliuag District Hospital ay nakilalang si Ace Cortez, anak ni Arce Cortez, reporter ng pahayagang "Birit."
Ayon sa pulisya, ang biktima na pinaniniwalaang natutulog malapit sa kinabagsakan ng gasera kaya kaagad na nasunog ang buong katawan. Base sa pagsusuri ng mga doktor, hindi nakayanan ng biktima ang tinamong sugat sa katawan kaya bumigay ang resistensya nito. (Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest