High school stude ni-rape ng textmate
() - November 6, 2005 - 12:00am
Camp Vicente Lim, Laguna Babala ito sa mga mahihilig makipag-textmate ito ay matapos na halayin ang isang 14-anyos na estudyante ng kanyang naging textmate sa Barangay Pandino, Siniloan, Laguna.

Naaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Michael Enabore, 19, ng Mabini St. ng naturang lugar matapos ireklamo ng biktima na itinago sa pangalang Cristina dahil sa umano’y panghahalay.

Ayon sa salaysay ni Cristina, inaya umano siyang makipag-eyeball ng textmate at pumunta sa isang bar upang manood ng live band concert.

Kaagad namang pumayag ang biktima na lumuwas pa mula Sta. Mesa, Manila patungong Laguna upang mapagbigyan ang imbitasyon ng ka-textmate.

Subalit sa halip na isama sa ipinangakong lugar,dinala umano siya sa bahay ng pinsan ng suspek at doon pinainom ng softdrinks na may halong pampatulog.

Sa imbestigasyon, nawalan umano ng malay ang biktima at nagising na lamang itong wala nang saplot sa katawan at pinaniniwalaang pinagsamantalahan ng suspek. (Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA AYON BABALA BARANGAY PANDINO CAMP VICENTE LIM CRISTINA KAAGAD MABINI ST. MICHAEL ENABORE NAARESTO SINILOAN
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with