^

Probinsiya

Globe cell site sinunog ng NPA

-
Camp Melchor Dela Cruz, Upi, Gamu Isabela – Umaabot sa P12 million halaga ang napinsala matapos sunugin ng mga hinihinalang myembro ng New People’s Army (NPA) kamakalawa ang isa na namang cell site ng Globe Telecoms sa Brgy. Aguib, Piat sa lalawigan ng Cagayan.

Ayon sa Spokesman ng Army’s 5th Infantry Division (ID), naganap ang nasabing pagsunog ng mga miyembro ng NPA na kinabibilangan ng dalawang amasona sa ilalim ng Section Committee Northern Front ng Cagayan Valley sa nasabing cell site dakong alas -9 ng gabi.

Napag-alaman na walang nagawa si Arvin Pagunuran, ang nag-iisang guwardiya ng cell site sa dami ng bilang ng mga NPA na dumis-arma sa kanya matapos kunin ang kanyang cal. 38 service firearms.

Inutusan umano ng mga rebelde si Pagunuran na buksan ang cabin ng cell site subali’t dahil sa wala sa kanya ang susi ay binutasan na lamang ng mga NPA ang pintuan at dito binuhusan ng gasolina ang lugar kung saan nasunog ang tinatayang umaabot sa 12 milyon halaga ng kagamitan ng Globe.

Sa ulat ng militar, lumalabas na ito na ang pangalawang cell site na sinunog sa Cagayan Valley, ang nauna noong Abril 2002 sa Gattaran Cagayan, habang ika-17 naman sa buong bansa.

Pinaniniwalaan namang ang kabiguan ng may-ari ng Globe Telecoms na magbayad ng revolutionary tax sa grupo ng mga rebelde ang motibo ng panununog.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operations ang mga operatiba ng militar laban sa grupo ng mga rebelde na responsable sa karahasan. (Victor Martin)

vuukle comment

ARVIN PAGUNURAN

CAGAYAN VALLEY

CAMP MELCHOR DELA CRUZ

GAMU ISABELA

GATTARAN CAGAYAN

GLOBE TELECOMS

INFANTRY DIVISION

NEW PEOPLE

SECTION COMMITTEE NORTHERN FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with