^

Probinsiya

Fiesta tragedy: 2 patay

-
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Nauwi sa trahedya ang isang masayang piyestahan matapos masawi ang dalawa katao nang makuryente ang mga ito ng sumabit sa poste ng CASURECO ang pagoda pole sa ‘fluvial procession’ sa Buhi, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang dalawang biktimang sina Dennis Meceda 32, may asawa residente ng Brgy San Roque at Blandino ‘Dondon’ Serdan 32, may-asawa residente ng Brgy. Sta. Elena; pawang ng nasabing munisipalidad.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya ang insidente ay naganap dakong alas-5:45 ng hapon habang ang mga biktima ay sumasama sa isinasagawang ‘fluvial procession’ kaugnay ng pagdaros ng piyesta sa Sitio Peñafrancia, Brgy. Sagrada sa bayan ng Buhi.

Nabatid na habang ang pagoda ng santo ay inililibot sa lawa nang aksidenteng sumabit ang isang pole nito sa live wire ng isang poste ng Casureco III na naging dahilan na ang mga deboto nito ay mag-panic at magtalunan sa tubig upang iligtas ang kani-kanilang sarili.

Napag-alaman na maraming tao ang sumaksi sa naturang prosesyon ng santa at ang iba ay galing pa sa ibang bayan na dumalo at makisaya sa fiesta ng naturang lugar.

Sa kasalukuyan patuloy ang isinasagawang rescue operation ng mga awtoridad upang makita ang bangkay ng mga biktima na lumubog ng ang mga ito ay makuryente habang tinataya namang may nawawala pang mga biktima. (Ed Casulla)

vuukle comment

BATAY

BRGY

BRGY SAN ROQUE

BUHI

CAMARINES SUR

DENNIS MECEDA

ED CASULLA

LEGAZPI CITY

SITIO PE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with