^

Probinsiya

Paglilinaw sa 5 natodas sa sakuna

-
Nililinaw po ng pahayang ito ang napaulat na pagkamatay ng 5 katao dahilan sa diumano’y inaantok ang driver ng Executive carrier bus ng maganap ang sakuna sa Camalig, Albay noong nakaraang buwan.

Base sa police blotter na nakuha ni Mr. Zaldy Javellana, General Operations Manager ng Executive Carriers and Services Inc mula sa Camalig Police na nilagdaan ng hepe nito na si Sr. Insp. Rogelio Beraquit, lumilitaw dito na hindi inaantok ang driver kundi iniwasan lamang ang isang kulay pulang nag-overtake na sasakyan na nagbunsod sa malagim na trahedya.

Base sa police record, noong Agosto 15 habang bumabagtas ang Executive Carrier bus na may plakang PYR-222 na minamaneho ni Joel Avila nang mag-overtake ang isang kulay pulang behikulo na tinangka nitong iwasan kaya sumalpok sa kasalubong namang pampasaherong jeepney na may plaka namang EVB -901 na minamaneho ni Michael Diaz sa highway ng Brgy. Libod, Camalig, Albay na ikinasawi at ikinasugat ng mga biktima. (Ed Casulla)

vuukle comment

ALBAY

CAMALIG POLICE

ED CASULLA

EXECUTIVE CARRIER

EXECUTIVE CARRIERS AND SERVICES INC

GENERAL OPERATIONS MANAGER

JOEL AVILA

MICHAEL DIAZ

MR. ZALDY JAVELLANA

ROGELIO BERAQUIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with