Maliksi, pinaboran ng CA
August 26, 2005 | 12:00am
Naging santuwaryo ni Cavite Governor Erineo "Ayong" Maliksi ang Court of Appeals (CA) makaraang magpalabas ito ng temporary restraining order (TRO) para pansamantalang pigilin ang implementasyon ng anim na buwang suspensiyon na ipinataw ng Ombudsman sa nabanggit na gobernador kaugnay sa kasong isinampa ni Vice Governor Juanito Victor Remulla
Sa 3-pahinang resolusyon ng 5th Division ng Court of Appeals na may petsang Agosto 25, 2005 at nilagdaan ni Associate Justice Ruben T. Reyes, tatagal ng 60-araw ang temporary restraining order (TRO) na pabor kay Maliksi na namalagi sa Kapitolyo simula nang ipalabas ang kautusan ng Ombudsman for Luzon.
Nakasaad din sa nasabing resolusyon na binibigyan ng 10-araw upang mag-komento sina Deputy Ombudsman for Luzon Victor Fernandez, Ombudsman Director Joaquin Salazar, Vice Governor Remulla at Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Angelo Reyes.
Lumilitaw sa resolusyon na ipinalabas ang TRO matapos na mapatunayang hindi dumaan sa normal na proseso ang ipinataw na anim na buwang suspensiyon ng Ombudsman laban kay Maliksi.
Samantala, limang-araw naman ang ibinigay na palugit kay Maliksi para sumagot sa ikokomento ng mga respondents at inatasan din ng korte ang nasabing gobernador na maglagak ng P.5 milyon bilang TRO bond.
Laking pasasalamat ang namutawi sa bibig ni Maliksi para sa kaniyang mga kababayan na patuloy na nagbarikada at hindi siya iniwan sa kabila ng kagipitan.
Napag-alamang nagbabalak umano ang kampo ni Remulla na maghain ng apela para bawasan ang 60-araw na TRO na pumabor kay Maliksi sa 20 araw.
Matatandaang naghain ng 43-pahinang petition for certiorari/prohibition and injunction si Maliksi dahil sa hindi makatarungan ang ginawang pagpataw laban sa kanya ng suspension at isang pag-abuso sa kapangyarihan ang desisyon ng graft investigation na kinatigan ni Fernandez ng Ombudsman.
Itoy dahil wala na umanong pagkakataong ibinigay sa kanya ang Ombudsman na maidepensa muna ang sarili, sa pamamagitan ng counter affidavit, bago siya pinasususpinde. (Ulat nina Grace Dela Cruz, Lolit Yamsuan at Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended