^

Probinsiya

Talunang konsehal itinumba

-
Nueva Ecija– Isang natalong kandidato para konsehal noong nakaraang 2004 eleksyon ang nasawi matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki sa isang Public Cemetery, Barangay Poblacion sa bayan ng Talavera, noong Sabado ng umaga.

Kinilala ni Chief Inspector Cresencio de Asis, hepe ng Nueva Ecija Crime Laboratory ang biktima na si Florencio Gloria, alyas Balat, 49, may-asawa at residente ng Barangay La Torre, dito.

Ayon kay de Asis, si Gloria na natalong councilor aspirant at may mataas na katungkulang at miyembro ng Mason (dating District Grand Lecturer sa Talavera), ay nagtamo ng 8 tama ng bala ng M-16 at kalibre .45 baril sa katawan na siya nitong ikinamatay.

Base sa imbestigasyon, sakay ang biktima ng Toyota Hi-Lander galing sa pakikipaglibing sa namatay nitong tiyahin noong Sabado dakong alas-11:30 ng umaga, nang harangin ng isang kotse na nasa kanilang unahan saka pinagbabaril ng sunud-sunod.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang kasong ito upang madakip ang mga nagsitakas na suspek. (Christian Ryan Sta. Ana )

vuukle comment

ASIS

BARANGAY LA TORRE

BARANGAY POBLACION

CHIEF INSPECTOR CRESENCIO

CHRISTIAN RYAN STA

DISTRICT GRAND LECTURER

FLORENCIO GLORIA

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA CRIME LABORATORY

PUBLIC CEMETERY

SABADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with