^

Probinsiya

6 kawatan ng kalabaw, nadakma

-
GENERAL NATIVIDAD, Nueva Ecija — Anim na kalalakihan ang dinakma ng mga opisyal ng barangay makaraang maaktuhang nagnanakaw ng kalabaw sa bahagi ng Barangay Belen sa nabanggit na bayan kamakalawa ng gabi.

Pormal namang kinasuhan ang mga suspek na sina George Caguiat, 40; Rolan Clamonte, 40; Rogelio Tumangan, 43; Bernie Atanacio, 18; Marvin Rosario; at Jhun Buen, 26, na pawang naninirahan sa Barangay Aduas Norte, Cabanatuan City.

Base sa ulat na nakarating kay P/Senior Inspector Ernesto Delos Santos, hepe ng pulisya sa bayang nabanggit, bandang alas-sais y medya ng gabi nang mapadaan sa gilid ng irigasyon sina Barangay Kagawad Juanito Francisco at Engracio dela Cruz, kasama ang dalawang barangay tanod.

Dito nila namataan ang mga suspek na hinihila ang kalabaw na pag-aari ni Efren Agapito patungo sa isang naghihintay na jeep na may plakang CTC 739.

Dahil sa pawang mga estranghero ang mukha ng mga suspek sa nabanggit na barangay ay kinuwestiyon ng mga opisyal ng barangay hanggang sa matuklasang mga kawatan ng kalabaw ang mga suspek.

Agad namang dinala sa himpilan ng pulisya ang mga suspek at sinampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BARANGAY

BARANGAY ADUAS NORTE

BARANGAY BELEN

BARANGAY KAGAWAD JUANITO FRANCISCO

BERNIE ATANACIO

CABANATUAN CITY

CHRISTIAN RYAN STA

EFREN AGAPITO

GEORGE CAGUIAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with