^

Probinsiya

Financier ng Casino Filipino itinumba

-
OLONGAPO CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 64-anyos na financier ng Casino Filipino ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay bumisita sa pag-aaring plantasyon sa bahagi ng Barangay New Cabalan sa Olongapo City kamakalawa ng gabi. Dalawang tama ng bala ng baril sa ulo at dibdib ang tumapos sa buhay ni Alberto Asunsion ng Caron Street sa Barangay West Bajac-Bajac, Olongapo City.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, huling namataang buhay ang biktima na lumabas ng Casino Filipino bandang alas-10:30 ng gabi at nagdesisyong bisitahin ang kanyang plantasyon sa nabanggit na barangay.

Hindi naman akalain ng biktima na sinundan siya ng dalawang naka-bonnet na lalaki at inupakan ng dalawang putok sa katawan na ikinasawi nito.

Tinangay ng mga killer ang dalawang gintong singsing at pitakang naglalaman ng hindi nabatid na halaga ng biktima saka tumakas sakay ng van na walang plaka.

May teorya ang pulisya na pinalitaw ng mga killer na pagnanakaw ang motibo upang iligaw ang pulisya sa imbestigasyon. Pinaniniwalaang may kaugnayan sa trabaho ng biktima bilang financier ng Casino Filipino ang kasalukuyang sinisilip na anggulo ng krimen. (Ulat nina Jeff Tombado at Ric Sapnu)

vuukle comment

ALBERTO ASUNSION

BARANGAY NEW CABALAN

BARANGAY WEST BAJAC-BAJAC

CARON STREET

CASINO FILIPINO

DALAWANG

JEFF TOMBADO

LUMITAW

OLONGAPO CITY

RIC SAPNU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with