^

Probinsiya

Anak tinodas ng ama

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Pinaniniwalaang matinding galit ang umiral kaya napatay sa hambalos ng silya ang isang 36-anyos na mister ng sariling ama sa Purok 3, Barangay Cararayan, Tiwi, Albay kahapon ng umaga. Napuruhan sa ulo at hindi na umabot ng buhay sa St. Claire Hospital ang biktimang si Joey Competente, samantalang sumuko naman sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Jesus Competente.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, nagkita ang mag-ama sa nasabing lugar dakong alas-10 ng umaga at sa hindi nabatid na dahilan ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo.

Nagkasigawan ang mag-ama hanggang sa madampot ng suspek ang silya sa sulok ng kanilang bakuran at inihataw sa ulo ng biktima.

Nangisay ang biktima nang bumagsak sa lupa at dahil sa pagkaawa sa anak ay isinugod ng suspek sa naturang ospital, ngunit hindi na umabot ng buhay.

Agad na tinungo ng suspek ang himpilan ng pulisya para sumuko. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY CARARAYAN

ED CASULLA

JESUS COMPETENTE

JOEY COMPETENTE

LEGAZPI CITY

LUMITAW

NAGKASIGAWAN

NANGISAY

ST. CLAIRE HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with