^

Probinsiya

Iringan ng mga tauhan ng BOC at ASTF tumitindi

-
SUBIC BAY FREEPORT Patuloy pa rin ang bangayan sa pagitan ng Bureau of Customs (BoC) ng Port of Subic at ng bagong tatag na Anti-Smuggling Special Task Force kaugnay sa hurisdiksyon ng pagkumpiska sa mga illegal shipments na ipinapasok sa Subic Freeport.

Ito ay matapos maganap ang hindi inaasahang komprontasyon na muntik nang mauwi sa madugong barilan ni (ret.) Army Col. Jaime Calunsag, bagong talagang hepe ng Law Enforcement Department (LED) ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at isang opisyal ng Enforcement and Security Service-Customs Police District (ESS-CPD) na nakabase dito na tumangging ihayag ang pangalan.

Nag-ugat ang insidente matapos na hulihin ng ilang customs police ang isang 40-footer container van na may nakatagong kulay abong Mercedes Benz sports car (model 1998). sa loob ng Naval Supply Depot (NSD)

Nagulat na lamang ang mga customs police nang dumating ang isang pangkat ng armadong mga Special Weapons and Tactics (SWAT) ng LED kasama si Calunsag at biglang tineyk-over nito ang paghuli sa naturang sasakyan.

Sa hindi pagkakaunawaan ng magkabilang panig ay nag-walk-out ang customs personnel at sa galit ay pinaandar ang kanilang sasakyan at saka nagpakawala ng makapal na alikabok sa harapan mismo ni Calunsag kaya kaagad na ipinahuli ang mga tauhan ng customs police.

Magkakabunutan naman ng baril ang magkabilang panig, subalit napayapa ng isang opisyal ng BOC kaya napigilan ang madugong insidente.

Napag-alamang binawalan na ni Gen. (ret.) Jose Calimlim ang mga tauhan ng BoC sa paglabas-masok sa loob ng NSD na nagsasagawa ng inspeksyon sa mga container vans na pinaniniwalaang naglalaman ng mga smuggled goods.

Kinikwestiyon naman ng mga opisyal at tauhan ng customs ang sobrang pakikialam ng mga tauhan ni Calimlim sa kanilang operasyon. (Jeff Tombado)

vuukle comment

ANTI-SMUGGLING SPECIAL TASK FORCE

ARMY COL

BUREAU OF CUSTOMS

CALUNSAG

CUSTOMS

ENFORCEMENT AND SECURITY SERVICE-CUSTOMS POLICE DISTRICT

JAIME CALUNSAG

JEFF TOMBADO

JOSE CALIMLIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with