^

Probinsiya

Military spy sa Agusan itinumba

-
BUENAVISTA, Agusan del Norte — Isang lumad leader na itinuturing ng mga rebeldeng New People’s Army na military spy ang binaril at napatay sa Sitio Kalaitan, Barangay Sangay ng naturang lugar noong Biyernes ng hapon, Oktubre 8, 2004. Inako naman ng NPA spokesman Ka Omar ng Cesar Kayon Command, ang pagpaslang sa biktimang si Eladio Batli, alyas Datu Tarzan. Ayon sa ulat, pinaghihinalaan ng NPA na ang biktima ay nagbibigay ng impormasyon sa military tungkol sa mga aktibidades ng rebelde. Pinabulaanan naman ng pamilya ni Batli ang akusasyon ng NPA na military spy ang biktima. (Ben Serrano)
Mag-Ama Tiklo Sa Kasong Rape
CAMARINES NORTE — Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang mag-ama makaraang dakpin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-Camarines Norte) sa kasong rape na isinampa ng biktima kamakalawa sa Barangay Gubat, Daet ng naturang lalawigan. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rolando Panganiban ng Regional Trial Court Branch 40, ay nasakote sina: Monico Adan, 70 at Edgar Adan, 42, kapwa residente ng Purok Atis ng nabanggit na barangay. Dahil sa reklamo ng batang babae na inampon ng mag-ama ay inilatag ang bitag ng mga suspek hanggang sa masakote ng mga tauhah ni P/Chief Insp. Nilo Sabilla Berdin Jr. hepe ng CIDG-Camarines Norte. (Francis Elevado)
Karpintero Timbog Sa Buy-Bust
PAMPANGA — Isang 41-anyos na karpintero na pinaniniwalaang nagpapakalat ng droga ang dinakip ng mga kagawad ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay St. Cristo, Guagua, Pampanga kamakalawa. Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang suspek na si Alfred Cruz matapos na makumpiskahan ng 72-plastic sachets na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P10,000. Ayon sa pulisya, ang suspek ay matagal nang minamatyagan ng mga awtoridad dahil sa balitang nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa iba’t ibang eskuwelahan at ang mga nabibiktima ay pawang mga estudyante. (Resty Salvador)
Nag-Suicide Dahil Sa Selos
BULACAN — Pinaniniwalaang matinding selos sa live-in partner ang naging ugat kaya nag-suicide ang isang 23-anyos na babae makaraang matagpuang nakabitin sa loob ng kanilang babay sa Barangay Sto. Niño, Baliuag, Bulacan kamakalawa. Bandang alas-2:30 ng madaling-araw nang madiskubreng nakatali pa ng electrical cord ang leeg ng biktimang si Jocelyn Rafista. Lumilitaw na nakipagtalo muna ang biktima sa kanyang live-in partner tungkol sa kumalat na balitang may karelasyong ibang babae. Nag-iwan naman ng sucide note ang biktima sa kanyang live-in partner at kasalukuyang sinisiyasat kung sulat nga ng babae. (Efren Alcantara)

vuukle comment

ALFRED CRUZ

AYON

BARANGAY GUBAT

BARANGAY SANGAY

BARANGAY ST. CRISTO

BARANGAY STO

BEN SERRANO

CAMARINES NORTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with