1 killer, 5 tulak nasakote
October 10, 2004 | 12:00am
VIGAN CITY, Ilocos Sur Anim na sibilyang na pinaniniwalaang most wanted dahil sa may nakabinbing ibat ibang kaso sa korte ang nadakip ng mga kagawad ng pulisya sa magkakahiwalay na bayan sa Ilocos Sur kamakalawa. Kabilang sa naghihimas ng rehas na bakal ay nakilalang sina: Melito Sinco ng Barangay Pug-os, Cabugao at may kasong double murder; Abelardo Tinaza, Renato Basuil; Marlouie Belandres; Randy Castillo at Mary-ann Anicas na pawang may kasong droga at residente ng naturang lungsod. Ang pagkakadakip sa mga suspek ay bunsod ng pinaigting na kampanya laban sa masasamang elemento na naghahasik ng karahasan sa nasabing rehiyon. (Ulat ni Myds Supnad)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest