Coed ni-rape ng 3 adik sa harap ng boyfriend
() - September 6, 2004 - 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga – Masaklap na kapalaran ang sinapit ng isang 18-anyos na kolehiyala makaraang halinhinang halayin ng tatlong adik na kalalakihan sa harap mismo ng kanyang kasintahan sa madilim na bahagi ng Sitio Labasin, Barangay Sabang, Baler, Aurora.

Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Susan ng Barangay Bunangin, Baler samantalang ang dalawa sa tatlong suspek na ngayon ay naghihimas ng rehas na bakal ay nakilalang sina Mario Magno, 26, ng Barangay Suklayin at Antonio Valano, 22, ng Sitio Gabgab, Barangay Buhangin.

Tinutugis naman ang isa sa susperk na nakilala lamang sa alyas Tisoy ng nabanggit din barangay.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Olivas, magkasabay na naglalakad ang magkasintahan sa madilim na bahagi ng naturang lugar dakong alas-10 ng gabi nang harangin ng mga suspek.

Dalawa sa suspek na may hawak na patalim ang kumaladkad sa biktima sa madilim na bahagi, samantalang ang boyfriend ng dalaga ay tinutukan naman ng kutsilyo upang hindi makapalag.

Wala namang magawa ang lalaki sa mga suspek habang hinahalay ang kanyang kasintahan na nagmamakaawa sa mga adik.

Matapos na maipagbigay-alam ng magkasintahan ang insidente sa mga awtoridad ay agad namang nadakip ang dalawa na tangkang tumakas. (Ulat ni Rety Salvador)

ANTONIO VALANO BARANGAY BUHANGIN BARANGAY BUNANGIN BARANGAY SABANG BARANGAY SUKLAYIN CAMP OLIVAS MARIO MAGNO RETY SALVADOR SITIO GABGAB SITIO LABASIN
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with