^

Probinsiya

Binata binoga nang utol ng kaaway

-
Camp Pantaleon Garcia, Cavite – Binurdahan ng saksak at napatay ang isang 30 anyos na binata ng kapatid ng nakaaway nito matapos na sugurin ang kaniyang tahanan sa Brgy. Memije, Gen. Mariano Alvarez kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Joseph Yuson, 30, ng Block 7, Lot 13, Brgy. Memije ng nasabing bayan.

Pinaghahanap naman ang suspek na kinilalang si Jojo Manansala, nasa hustong gulang matapos itong mabilis na tumakas bitbit ang patalim na ginamit sa pamamaslang.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Richard Fermil, may hawak ng kaso, naganap ang insidente dakong alas-9:20 ng gabi sa loob ng tahanan ng biktima.

Nabatid na bigla na lamang sumugod ang suspek sa lugar at pinagsasaksak ang biktima.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na niresbakan ng suspek ang biktima matapos nitong makaaway ang kapatid ng huli.

Naglunsad na ng manhunt operation ang pulisya laban sa salarin na nakatakdang sampahan ng kasong murder. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

BINURDAHAN

BRGY

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

CRISTINA G

JOJO MANANSALA

JOSEPH YUSON

MARIANO ALVAREZ

MEMIJE

RICHARD FERMIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with