^

Probinsiya

Rookie police itinumba ng ASG

-
Camp Crame – Pinagbabaril hanggang sa mapaslang ang isang bagitong pulis ng tatlong armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa Jolo, Sulu kamakalawa. Dead on the spot ang biktimang si PO1 Murphy Sansawi Hashim, nasa hustong gulang, nakatalaga sa 1512th Police Mobile Group (PMG) ng Sulu Provincial Police Office (PPO) at naninirahan sa Brgy. Alat sa bayan ng Jolo.

Batay sa ulat, kasalukuyang nagpapatrulya sa downtown ng Jolo ang biktima dakong alas 3:35 ng madaling araw nang pagbabarilin ng mga armadong suspek na agad bumulagta sa insidente. Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol na siyang ginamit sa pagpatay sa biktima. Inaalam pa ang motibo ng pamamaslang sa biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ALAT

BATAY

BRGY

CAMP CRAME

INAALAM

JOLO

JOY CANTOS

MURPHY SANSAWI HASHIM

POLICE MOBILE GROUP

SULU PROVINCIAL POLICE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with