^

Probinsiya

Trike driver tinodas ng adik

-
IMUS, Cavite – Pinaniniwalaang napagtripan ng adik sa droga kaya binaril sa ulo at napatay ang traysikel drayber sa Barangay Sampaloc 3, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi. Sapol sa sintido ang biktimang si Manuel Polillo, 60, at residente ng Sitio Piela Road ng naturang bayan. Hindi naman nakilala ang killer dahil walang testigong lumutang sa naganap na krimen dakong alas-7:30 ng gabi. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay humarang ang hindi kilalang lalaki sa kalsadang tinutumbok ng biktima na nagmamaneho ng traysikel. Agad na huminto ang biktima at kasabay nito ay isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw at duguang bumulagta si Polillo. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

BARANGAY SAMPALOC

CAVITE

CRISTINA G

DASMARI

MANUEL POLILLO

PINANINIWALAANG

POLILLO

SAPOL

SITIO PIELA ROAD

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with