^

Probinsiya

2 tauhan ng gobernador patay sa ambush

-
KAMPO SIMEON OLA – Dalawang tauhan ng gobernador ng Masbate ang iniulat na nasawi makaraang tambangan ng mga hindi kilalang lalaki habang ang mga biktima ay nagmomotorsiklo papauwi sa Barangay Pulot, Cawayan, Masbate kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina: Ely Ely Gigante, 35, binata at Eddie Calicoy, 45, may asawa at kapwa kawani ng provincial office ng Masbate na nakatalaga sa Governor’s Office.

Halos may isang oras bago pa madiskubre ng mga awtoridad ang insidente dahil sa walang maglakas ng loob na ipagbigay-alam sa pulisya sa takot na madamay.

Huling namataang buhay ang mga biktima na dumalo sa pagpupulong sa Barangay Poblacion, Cawayan at magkasamang umuwi sakay ng motorsiklong Yamaha.

Bandang alas-8 ng gabi nang tambangan ang mga biktima pagsapit sa liblib na bahaging sakop ng nabanggit na barangay.

May teorya ang pulisya na may kinalaman sa pulitika ang pamamaslang sa dalawa dahil mga tauhan ng gobernador ng Masbate. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BANDANG

BARANGAY POBLACION

BARANGAY PULOT

CAWAYAN

DALAWANG

ED CASULLA

EDDIE CALICOY

ELY ELY GIGANTE

MASBATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with