^

Probinsiya

Mister dinedo sa kasalan

-
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City May posibilidad na napagtripang saksakin hanggang sa mapatay ang isang mister ng hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay tumutulong sa paghahanda ng pagkain sa kasalan ng kaibigan sa Barangay San Jose Ocampo, Camarines Sur kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Eriberto Bornolio ng Sitio Basud, Brgy. Gatbon ng naturang bayan. Wala namang nakakilala sa suspek sa hindi nabatid na dahilan. Napag-alaman sa ulat ng pulisya na pinakiusapan ang biktima na tumulong sa paghahanda at walang kamalay-malay na sasalubungin na siya ni Kamatayan. (Ulat ni Ed Casulla)
Waitress Hinalay Ng Bumbero
PALAYAN CITY, Nueva Ecija
Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang isang 16-anyos na waitress upang ireklamo ang isang kagawad ng bumbero sa kasong 2 counts ng rape sa Barangay Atate ng lungsod na ito kamakalawa. Ayon sa pulisya, ang biktimang itinago sa pangalang Fely ay waitress sa canteen na pag-aari ng suspek na si FO3 Alejandro de Guzman ng Palayan City Fire Station. Base sa reklamo ng biktima, hinalay siya ng suspek noong Abril 16 ng hapon at nasundan pa ito noong Abril 22, 2004 ng madaling-araw. Dahil sa takot na masundan pa ang ikalawang maitim na balak ay ipinagbigay-alam na niya sa mga magulang, ayon pa sa ulat. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ABRIL

BARANGAY ATATE

BARANGAY SAN JOSE OCAMPO

CAMARINES SUR

CHRISTIAN RYAN STA

ED CASULLA

ERIBERTO BORNOLIO

LEGAZPI CITY

NUEVA ECIJA

PALAYAN CITY FIRE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with