^

Probinsiya

Mister tinubo si misis, tinamaan ang anak, patay

-
SAN ANTONIO, QUEZON – Nabasag ang bungo at namatay ang isang anim na taong gulang na batang lalaki nang aksidenteng tamaan ng tubong inihataw ng kanyang ama sa kanyang ina kamakalawa ng umaga sa Barangay Matipunso sa bayang ito.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Ronald Mendez y Mendoza habang nakapiit ngayon sa Municipal Jail ang suspek na ama na si Romeo Mendez, may sapat na gulang at kapwa residente ng naturang lugar.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, alas-7:00 ng umaga pa lamang ay nagtatalo na ang mag-asawang Romeo at Eufrocina.

Sa gitna ng pag-aaway ay bigla umanong kumuha ng tubo ang suspek at hinataw ang kanyang asawa.

Nagawang makaiwas ng babae, subalit sa kasamaang palad ay ang anak nilang si Ronald ang tinamaan sa ulo na noon ay nakahiga lamang sa sahig.

Dahil sa pangyayari ay mabilis na isinugod ng mag-asawa ang kanilang anak sa Villa Hospital sa Lipa City subalit nalagutan rin ito ng hininga habang ginagamot. (Ulat nina Tony Sandoval/Celine Tutor)

vuukle comment

BARANGAY MATIPUNSO

BATAY

CELINE TUTOR

DAHIL

LIPA CITY

MUNICIPAL JAIL

ROMEO MENDEZ

RONALD MENDEZ

TONY SANDOVAL

VILLA HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with