^

Account executives natangayan ng P.6-M

() - February 29, 2004 - 12:00am
San Miguel, Bulacan – Umaabot sa halagang P.6 milyong halaga ang natangay sa isang nagpakilalang Account Executive ng San Miguel Corporation (SMC) makaraang harangin ang kanyang minamanehong sasakyan ng tatlong di pa nakilalang holdaper sa kahabaan ng Cagayan Valley Road, Brgy. Sacdalan ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng San Miguel Police ang biktima na si Carlo Vitug, 34-anyos, may-asawa at residente ng Fortuna, Florida Blanca sa lalawigan ng Pampanga.

Sa inisyal na imbestigasyon, pasado alas-5:30 ng hapon ng maganap ang panghoholdap sa biktima habang ito ay lulan ng kanyang sasakyan na isang Super Carry van na may plakang UJZ-581 nang harangin, tutukan ng baril at holdapin ng mga armadong suspek.

Ang biktima ay sinusundan ng mga suspek na pinaniniwalaang natiktikang may dala itong malaking halaga kung saan ay wala itong nagawa ng tutukan ng mga suspek.

Kabilang sa mga natangay sa biktima ay tseke na nagkakahalaga ng P200,000, kulang-kulang P400,000 cash, 7250 Nokia cellphone at iba pa. Naglunsad na ng malawakang manhunt operations ang mga awtoridad laban sa mga suspek. (Ulat ni Efren Alcantara)

ACCOUNT EXECUTIVE BRGY CAGAYAN VALLEY ROAD CARLO VITUG EFREN ALCANTARA FLORIDA BLANCA SAN MIGUEL SAN MIGUEL CORPORATION SAN MIGUEL POLICE SUPER CARRY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with