^

Probinsiya

6-anyos na batang lalaki, kinidnap ng kadugo

-
Camp Pantaleon Garcia, Cavite – Isang 6 anyos na batang lalaki ang kinidnap ng sarili nitong mga kamag-anak habang ang biktima ay naglalaro sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. San Nicolas 1, Bacoor, Cavite kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si John Nash Axalan Gayano, 6-anyos, residente ng Block 3, Lot 11, Carnation St., Bacoor ng nasabing lalawigan.

Agad namang nasakote ang isa sa mga suspek na si Bernabe Turano, 38, residente ng Block 14, Lot 12, Masayahin St. ng nasabi ring lugar. Pinaghahanap naman ng pulisya ang apat pa sa mga suspek na nakilalang sina Manolo Axalan, Cecilia Aguilar, Abet Turano at Manny Axalan, ng Cabuyao, Laguna at pawang mga kamag-anak ng biktima.

Nabatid na ang pagdukot sa biktima ay naganap dakong alas-10 ng umaga sa loob mismo ng tahanan nito nang pasukin ng mga suspek ang kanilang tahanan at puwersahan itong isakay sa isang Besta Van na may plakang DWX -447 na mabilis na tumakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Ayon sa pulisya hindi naman masasabing isang kaso ng kidnap-for-ransom (KFR) ang pagdukot sa biktima dahilan pawang kamag-anak nito ang mga suspek.

Lumilitaw na may personal na alitan ang mga suspek at ang mga magulang ng bata na nasa pangangalaga ng kaniyang ama dahilan nasa Singapore ang kanyang ina. Iniimbestigahan pa ang kaso. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

ABET TURANO

BACOOR

BERNABE TURANO

BESTA VAN

CAMP PANTALEON GARCIA

CARNATION ST.

CAVITE

CECILIA AGUILAR

CRISTINA G

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with