Mag-ama niratrat sa bahay

() - January 2, 2004 - 12:00am
LABO, Camarines Norte – Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay pinagbabaril ang bahay ng mag-amang Asis na ikinasawi ng matanda at ikinasugat naman ng malubha ng isang 11-anyos na babae kamakalawa ng gabi sa Barangay Napaod ng naturang bayan.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Noel Asis, samantalang kritikal naman si Jenny Rose Asis matapos na magtamo ng anim na tama ng bala sa katawan.

Naitala ng pulisya ang krimen dakong alas-9:15 ng gabi habang naghahanda ng medya noche ang mag-ama sa loob ng kanilang bahay. Napag-alamang nakaligtas naman ang dalawang bata dahil sa natutulog nang ratratin ang mag-ama sa kusina. (Ulat ni Francis Elevado)

ASIS BARANGAY NAPAOD CAMARINES NORTE FRANCIS ELEVADO JENNY ROSE ASIS KINILALA NAITALA NAPAG NOEL ASIS ULAT
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with