^

Probinsiya

3 grabe sa nag-amok na adik

-
Isabela – Tatlong miyembro ng pamilya kabilang ang isang buntis ng ginang ang grabeng nasugatan nang mapagtripang pagsasaksakin ng isang nag-amok na lalaki na pinaniniwalaang bangag sa droga sa Santiago City ng lalawigang ito kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Christian Mianga Jr., na namemeligrong mabulag dahilan sa tinamong malalim na saksak sa mga mata; Abe Mianga at Marmelyn del Fiero Mianga, 22 anyos; isang buntis na ginang na muntik ng mapaanak.

Agad namang nasakote ang suspek na kinilalang si Edison Cabungcal, umano’y isang kilalang drug addict sa lugar at kapitbahay ng mga biktima.

Nabatid na bandang alas-10:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa Sitio Tramo, Brgy. Malvar, Santiago City habang ang mga biktima ay naghahanda na para matulog nang puwersahang pasukin ng suspek ang kanilang tahanan at pagsasaksakin ang mga ito. Sa matinding takot ay muntik ng mapaanak ang ginang.

Nagtangka umanong tumakas ang suspek pero minalas na masakote ng mga nagrespondeng elemento ng Santiago City Police. (Ulat ni Erickson Lovino)

vuukle comment

ABE MIANGA

BRGY

CHRISTIAN MIANGA JR.

EDISON CABUNGCAL

ERICKSON LOVINO

FIERO MIANGA

ISABELA

SANTIAGO CITY

SANTIAGO CITY POLICE

SITIO TRAMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with