^

Probinsiya

P2.3-M isda nasabat ng Navy

-
CAMP AGUINALDO – Umaabot sa P2.3 milyon halaga ng isda at fishing paraphernalia ang nasamsam ng mga elemento ng Phil. Navy (PN) matapos masabat ang anim na fishing boats habang nagsasagawa ng illegal na pangingisda sa Maqueda Bay, Catbalogan, Western Samar, ayon sa ulat kahapon.

Base sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Phil. Navy Chief Vice Admiral Ernesto de Leon, kabilang sa mga nasabat na bangkang pangisda ay ang F/B Rose, F/B Arlene, F/B Maria Daisy, F/B CA, F/B TA at F/B Arjay.

Nabatid na bandang ala-1 ng hapon habang nagsasagawa ng seaborne patroll ang mga elemento ng Phil. Navy sa bahagi ng Maqueda Bay nang maaktuhan ang mga tiwaling mangingisda na lulan ng mga bangka habang illegal na nangingisda sa karagatan.

Ayon kay Naval Forces Central Commander Commodore Alfredo Abueg matagal na nilang sinusubaybayan ang operasyon ng mga mangingisda subali’t lagi naman nakakalusot. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

B ARJAY

B ARLENE

B MARIA DAISY

B ROSE

JOY CANTOS

MAQUEDA BAY

NAVAL FORCES CENTRAL COMMANDER COMMODORE ALFREDO ABUEG

NAVY CHIEF VICE ADMIRAL ERNESTO

WESTERN SAMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with