^

Probinsiya

6 lider ng NPA todas sa engkuwentro

-
ILAGAN, Isabela – Anim na lider ng rebeldeng New People’s Army (NPA) kabilang na ang pumatay kay dating Cagayan Governor Rodolfo Aguinaldo ang kumpirmadong nasawi makaraan ang madugong engkuwentro sa kagubatang sakop ng Barangay San Dionisio, Maddela Quirino noong Biyernes, Disyembre 5, 2003.

Base sa ulat ni Col. Rogelio Rosete, 502nd Brigade Commander, ang sagupaan ay naganap sa liblib na bahagi ng Sitio Paladin, Barangay San Dionisio at tumagal ng dalawang oras at nagresulta sa pagkamatay ng anim na lider ng NPA at pagkakadakip sa tatlong iba pa.

Kabilang sa napatay sina Bonifacio Blanza, alyas Costales, kasangkot sa pagpaslang kay dating Gov. Rodolfo Aguinaldo ng Cagayan sa naganap na ambush at ikinasawi rin ng kanyang bodyguard sa Tuguegarao City noong June 12, 2001; Martin Dolado, alyas Ka Inciong, secretarya ng kilusan; ang mag-asawang Renato Busania at Tymar Delgado, pawang graduate ng University of the Philippines at dating leader ng Student Christian Movement of the Philippines-Cagayan Valley; Felix Robregado, nagsisilbing medical officer at Andrea Bangayan, alyas Ka Nida.

Maliban sa anim na nasawi ay nalambat din sina Melchor Santos, 23, 4th year AB Economics; Ana Maria Anacan, 19, pawang estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP); Jasmin Abaoag, 21, graduating student ng AMA Computer University at dalawa pa na nakilala lamang sa pangalang Tumbali at Punchilian.

Nabawi rin ng militar matapos ang engkwentro ang 2 M16- Armalite rifles, 2 cal. 30 M1 carbine, dalawang 12 Gauge shotgun, 2 Claymore mines at 2 granada, habang kasalukuyan ginagamot naman sa Camp Melchor dela Cruz Station Hospital ang 5-sugatan na nasakote. (Ulat ni Victor P. Martin)

vuukle comment

ANA MARIA ANACAN

ANDREA BANGAYAN

BARANGAY SAN DIONISIO

BONIFACIO BLANZA

BRIGADE COMMANDER

CAGAYAN GOVERNOR RODOLFO AGUINALDO

CAMP MELCHOR

COMPUTER UNIVERSITY

CRUZ STATION HOSPITAL

FELIX ROBREGADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with