^

Probinsiya

2 kidnaper tiklo, biktima nabawi

-
CAMP CRAME – Nailigtas ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang sampung buwang sanggol habang nasakote naman ang maglive-in partner na kidnaper sa isinagawang operasyon sa Nueva Ecija kamakalawa.

Ang nasagip na biktima ay nakilalang si Baby Catherine Guila II na nabawi mula sa maglive-in partner na walang anak.

Kinilala naman ang mga suspek na sina Lalaine Caparas, alyas Elaine Perlas at Dennis Caparas na pinaniniwalaang natukso lamang dukutin ang sanggol dahilan sa pananabik sa anak.

Ang mga suspek ay nasakote kamakalawa bandang alas-4 ng hapon sa bahay ng dalawa sa Brgy. General Luna, Llanera, Nueva Ecija.

Sa sinumpaang salaysay ni Catherine Guila, ina ng sanggol, sinabi nito na ipanarating ng kanyang lola na kinuha umano ni Dennis ang sanggol noong Nobyembre 28 mula sa Brgy. Cupang Proper, Balanga, Bataan habang siya ay may sakit.

Nabatid pa na kinuha ng mga suspek ang tiwala ng biktima sa madalas na pag-aalaga sa kanyang sanggol at di sukat akalain ng ina ng biktima na may masama palang binabalak.

Matapos na gumaling ay agad na pinuntahan ni Catherine ang mga suspek nang matukoy kung saan ng mga ito dinala ang kaniyang anak pero tumangging isoli at ipinatutubos sa kanya ng P500 bilang kabayaran sa ipinambili nila ng gatas.

Dahil dito, napilitan ang ina ng sanggol na dumulog sa mga awtoridad at pagkaraan ng 8-araw na intelligence buildup ay nasakote ang maglive-in partner.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa naturang maglive-in partner.(Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BABY CATHERINE GUILA

BRGY

CATHERINE GUILA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CUPANG PROPER

DENNIS CAPARAS

ELAINE PERLAS

GENERAL LUNA

JOY CANTOS

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with