^

Probinsiya

P10-M marijuana nadiskubre

-
COTABATO CITY – Aabot sa P10 milyon punong marijuana ang iniulat na binunot ng mga awtoridad matapos na madiskubre ang plantasyon sa kagubatang sakop ng Barangay Sapad, Matanog, Maguindanao kamakalawa.

Ang pagkakadiskubre ng plantasyon ng marijuana na pag-aari ni Jamal Gubar ay dalawang araw pa lamang ang nakalilipas matapos na sunugin ang P20 milyon pinatuyong dahon ng marijuana na nasamsam din sa naturang lugar.

Ayon kay P/Senior Supt. Candido Casimiro, intelligence director sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na hindi naman dinatnan ng pulisya ang may-ari ng plantasyon ng marijuana na pinalagay na natunugan bago pa isagawa ang raid.

Dahil sa tulong ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan at mga lider ng barangay sa Matanog ay nadiskubre ang plantasyon ng marijuana.

Nauna rito ay sinunog na ng mga awtoridad ang 17,000 punong marijuana na nadiuskubre malapit din sa plantasyon ni Gubar na pinaniniwalaang naipakalat na sa Metro Manila ng sindikato dahil sa kakapusan ng shabu. (Ulat ni John Unson)

vuukle comment

AABOT

AUTONOMOUS REGION

BARANGAY SAPAD

CANDIDO CASIMIRO

JAMAL GUBAR

JOHN UNSON

MATANOG

METRO MANILA

MUSLIM MINDANAO

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with