^

Probinsiya

Eskuwelahan sinunog ng MILF

-
CAMP AGUINALDO – Sinisimulan pa lamang ang naudlot na peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay naghasik na naman ng karahasan ang mga rebelde makaraang sunugin ang malaking eskuwelahan sa Sitio Tiongcot, Barangay Sapad, Matanog, Maguindanao, ayon sa ulat ng militar kahapon.

Bandang alas-7 ng gabi nang salakayin ng mga rebeldeng MILF sa pamumuno ni Jamiro Watamama, alyas Kumander Miro ang Ibay Elementary School bago silaban ang milyong ari-arian.

Base sa ulat na ipinarating kahapon sa Camp Aguinaldo, si Kumander Miro ng 3rd Local Unit Command ng 101st Guerilla Base ng MILF ay positibong nakilala ng mga residente na nanguna sa pananalakay at panununog ng nasabing eskuwelahan na naging sanhi para maparalisa ang pasok ng mag-aaral.

Sa nakalap na impormasyon ng mga awtoridad na tumanggi si Kumander Miro na isagawa ang registration of voters sa nasabing eskuwelahan at iginiit nito na isagawa sa Barangay Sapad kaugnay sa nalalapit na eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Kasunod nito, sinabi ni Army spokesman Lt. Col. Joselito Kakilala na kukuwestiyunin nila ang ginawang karahasan ng MILF sa paghaharap muli ng mga kinatawan ng GRP at MILF peace talks. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AUTONOMOUS REGION

BARANGAY SAPAD

CAMP AGUINALDO

GUERILLA BASE

IBAY ELEMENTARY SCHOOL

JAMIRO WATAMAMA

JOSELITO KAKILALA

JOY CANTOS

KUMANDER MIRO

LOCAL UNIT COMMAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with