^

Probinsiya

Bayaw ng mayor tinodas

-
OZAMIS CITY – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang bayaw ng alkalde ng dalawang hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay nakatayo sa harapan ng grocery store sa lungsod na ito kamakalawa.

Si Rodrigo Salas na bayaw ni Mayor Reynaldo Parojinog Jr. ay tinambangan ng naka-bonnet na lalaki sa harap ng Eva’s Grocery.

Ayon kay P/Supt. George Galano, police chief ng nasabing lungsod na sinikap na maisalba ang buhay ng negosyanteng si Salas pero idineklarang patay sa Medina Hospital.

Matapos ang pananambang ay agad namang ipinag-utos ni Galano na magtayo ng checkpoint ang pulisya sa mga posibleng lusutan ng mga suspek.

Nadakip naman si Jose Balenzona na may dalang kalibre .38 baril at isinailalim sa interrogation para matukoy kung may kinalaman sa pananambang kay Salas.

Napag-alaman na si Salas ay idinawit sa bawal na droga pero inabsuwelto ng mababang korte.

Nabatid pa na pinatay din ang kapatid na lalaki ni Mayor Parojinog noong siya ay board member ng Misamis Occidental may dalawang taon na ang nakalilipas at hanggang sa kasalukuyan ay nanatiling hindi pa nareresolba ang kaso. (Ulat ni Lino Dela Cruz)

vuukle comment

AYON

EVA

GEORGE GALANO

JOSE BALENZONA

LINO DELA CRUZ

MAYOR PAROJINOG

MAYOR REYNALDO PAROJINOG JR.

MEDINA HOSPITAL

MISAMIS OCCIDENTAL

SI RODRIGO SALAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with